♦ ACT OFW PARTYLIST REPRESENTATIVE CONG. JOHN BERTIZ BUMISITA SA RIYADH

♦ ACT OFW PARTYLIST REPRESENTATIVE CONG. JOHN BERTIZ BUMISITA SA RIYADH

 
♦ACT OFW Partylist Representative Anecito “John’ Bertiz bumisita sa Riyadh kagabi at nakipagpulong sa ibang mga filcom leaders kasama ang patnubay group. Para magpaabot ng pasasalamat sa mga indibidwal man o grupo na walang sawang tumutulong sa panagwan at adbokasiya ng ACT OFW Partylist at malugod din niyang pinapasalamatan ang mga opisyales at meyimbo ng patnubay pati narin ang iba pang grupo na nagsusulong sa welfare at protection ng mga ofw sa kaharian. Isa si Congressman Bertiz sa mga nagsusulong na masugpo ang human trafficking, illegal recruitment at pang abuso sa mga deployed ofw. Ayun sa congressman malaki ang naging papel ng patnubay, guardians at ibang mga filcom organization sa pag responde o pag report sa mga kaso ng maltreatment. Binisita din ni Congressman Bertiz and mga kababayan natin sa POLO Shelter house para personal na marinig ang mga hinaing ng mga ito at makuha ang mga suhestiyon hingil sa pamamalakad at serbisyong binigay sa mga ahensya ng gobyerno na responsable sa mga ito, at upang maka buo ng plano o proyekto sa mga distressed at kalakip na ang retiring ofw na nakatakdang uuwi sa pilipinas. Personal din na nakausap ni Cong.Bertiz ang isa mga kababayan natin na si Mr.Romeo Laquindamon na nagkaroon ng problema sa paa o bone fracture para sa kanyang pag uwi at makahanap ng espesyalistang ortho sa para sa kanyang operasyon. Ngayong araw Agusto 19,2018 ay nakatakdang makipagpulong at bibisita si Cong.Bertiz sa emabahada ng Pilinas upang makipag pulong sa ating Amabasador Adnan V.Alonto at mga Consul Generals sa ating embahada. At hangad din ni Cong.Bertiz na maramdaman ng mga OFW na walang gap sa papamagitan ng ofw at sangay ng gobyerno, walang pag aalingan at takot na magpaabot ng kanilang sentimento at problema upang mabigyan ng agaran at nararapat na solusyon. At maari tayong magsumbong sa kanilang tangapan sakaling mya mga tiwali at pabayang opisyal ng gobyerno lalot nasa piligro ang isang OFW. LYNDON G.ABALLE Pinoy Juan Radio

Print   Email